Ano Ang Anyo Ng Asya

Ano ang anyo ng asya

Sukat, Hugis, at Anyo ng Asya

Matatagpuan sa kotinente ang nagtataasang mga bundok tulad ng Mt. Everest at Mt. Godwin, at mga bulubundukin ng Ural,Caucasus, at Hindu Kush.

May mgakapatagan din tulad ng North China Plain, Indo- Gangetic Plain, at kalakhan ng Malay Peninsula, at mga tangway tulad ng Arabian Peninsula at Korean Peninsula.

Ang asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig.

May tinatayang kabuuang sukat ito na halos 44 milyong kilometro kuwadrado o halos isang- katlo ng kabuuang sukat ng kalupaan ng daigdig.

Ang asya ay higit pa sa apat na ulit ng laki kaysa sa Europe at pinagsamang sukat ng kalupaan ng North America at South America.

Mga Anyong Lupa

Mt. Everest

Pinakamataas na bundok sa daigdig.

Matatagpuan ito sa pagitan ng Nepal at Tibet.

May taas ito na 29, 035 ft.

Kanchenjunga

Pangatlo sa pinakamataas na bundok

Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Nepal at India. 

May taas ito na umabot sa 28,169 ft.

Mt.Ararat

(Buyuk agri Dagi)

Ito ang pang-apat sa pinakamataas na bundok sa Asya.

May taas ito na 16, 854 ft.

Matatagpuan ito sa turkey.

Kinabalu

Ito ay matatagpuan sa Sabah, Malaysia.

Ito ay may taas na 13, 435.

Himalayas

Matatagpuan sa Hilagang parte ng Mt. Everest.

May habang umaabot sa 2600 kilometro.

Altay(Altai)

Matatagpuan sa Silangan- gitnang Asya malapit sa China, Mongolia, at Kazakhstan.

Karakoram

Hanay ng bundok mula sa Hilagang Pakistan hanggang Timog- Kanlurang China.

Ghats

May haba na 62, 000 km.

Matatagpuan sa India.

Zagros

Mahabang bulubundukin sa Iran.

May haba ito na 1500 kilometro.

Kerinci

Ito ang pinakamataas na bulkan sa bansa.

May taas ito na 12, 484 ft.

Matatagpuan ito sa Gitnang Sumatra, Indonesia.

Tambora, Semeru, Rinjani, at Agung

Tambora

May Taas na 9,350 ft.

Matatagpuan sa Isla na Sumbawa.

Semeru

May taas na 12, 060 ft.

Matatagpuan sa Isla ng kanlurang bahagi ng Java.

Rinjani

May taas na 12, 224 ft.

Matatagpuan ito sa Isla ng Lombok.

Agung

May taas ito na 9, 944 ft.

Matatagpuan ito sa Bali, Indonesia.

Fuji, Ontake,at Unzen

Fuji

May taas na 12,388 ft.

Matatagpuan ito sa Isla ng Honshu.

Ontake

May taas na 10,062 ft.

Matatagpuan ito sa Hilangang-Silangan ng Nagoya.

Unzen

May taas na 4,921 ft.

Matatagpuan ito sa Isla ng Kyushu.

Chang Jiang o Yangtze

Pinakamahabang ilog sa Asya.

Ito ay may habang 6300 Km.

Mekong River, Irrawady River, at Chao Phraya River

Mekong River

Mattagpuan sa Timog- Silangang Asya.

May haba na 2, 703 mi.

Irrawady River

Matatagpuan sa Myanmar.

Chao Phraya River

Matatagpuan ito sa Malaysia. 

Ganges River, Indus River, at Brahmaputra River

Ganges River

May haba na 2,525 km.

Indus River

May haba na 3, 200 km.

Brahmaputra River

May haba ito na 2, 900 km.

Klima ng Asya

Tropical Climate

Tropical Rain Forest

Mainit at basa sa buong taon.

Karaniwang malapit sa ekwador at umaabot ang temperatura sa 27⁰.

Ang mga lugar na nakakaranas ng ganitong klima ay ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, at silangan at kanlurang baybayin ng Vietnam at Cambodia

Tropical Savanna

Tuyo ang klima tuwing taglamig at basa naman tuwing tag- araw.

Nakakaranas ng ganitong klima ang Cambodia, malaking bahagi ng Thailand at Myanmar, at Hilagang bahagi ng Sri Lanka at Timog India.

Mid- Latitude Climate

Mediterranean

Mga lugar na hawig sa panahon at vegetation na malapit sa Mediterranean Sea.

Karaniwang nararanasan ang ganitong klima sa baybayin sa pagitan ng Latitud. Hilaga at kanluran.

Humid Subtropical

Karaniwang nakakaranas ng ganitong klima ang mga lugar na nasa Mid- Latitude.

Higit sa 22⁰C ang klima kapg tag- init.

Nararanasan ang ganitong klima sa Dulong bahagi ng Vietnam, Laos, at Myanmar.Kasama na rin ang hilagang- silangang India, Timog- Silangang Chinaat Timog Japan.

High Land Climate

Nag-iiba- iba ang klima batay sa elebasyon ng lupa.

Lumalamig ang hangin habang papataas ang lugar. May -18⁰C hanggang 10⁰C ang klima sa mga kabundukan at matataas na talampas.

High Latitude Climate

Sub- Arctic

May mahab a at napakalamig na tag-lamig.

Nararanasan ito sa hilagang bahagi ng Mongolia.

Tundra

Malamig ang klima sa buong taon, at may malamig- lamig na tag- init. 

Ang hangin nito ay mula sa rehiyong polar at arctic.

May temperatura na -22⁰C hanggang 6⁰C bawat taon.

Dry Climate

Desert

May tuyong lugar kung saan bihira ang halaman.

Nararanasan ito sa lugar ng Azerbaijan,Turkmenistan, at Uzbekistan. Kasama na rin ang Arabian Peninsula.

Steppe

May tuyong lugar.

Nakakaranas ng ganitong klima ang mga lugar na Tajikistan, Kyrgyzstan, at bahagi ng Kazakhstan at Georgia.

Is this correct?


Comments

Popular posts from this blog

What Is Anaerobic Respiration ?

Ano Ang Kahulugan Ng 201cpasang-Krus201d?