Ano ang kahulugan ng "pasang-krus"? Kahulugan ng Pasang-Krus Ang pasang-krus ay isang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga salitang pasan + na + krus. Ang kahulugan nito ay pasanin, problema o pabigat. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nasa ilalim ng pananagutan ng iba at nagdudulot ng paghihirap sa isang tao. Sa Ingles, ito ay burden o suffering. Mga Halimbawang Pangungusap Gamitin natin ang matalinhagang salita na pasang-krus sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa: Bata pa lamang si Roger ay pasang-krus na niya ang kakainin ng kanyang pamilya sa araw-araw kaya naman pilit niyang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. (problema) Isa sa mga pasang-krus ni Layla ang karamdaman niya. (pasanin) Tila pasang-krus si Claude sa ating grupo dahil baguhan pa lamang siya sa paglalaro ng basketbol. (pabigat) Mga halimbawa pa ng matatalinhagang salita: brainly.ph/question/1847714 brainly.ph/question/2023278 #LearnWithBrainly
Ano ang anyo ng asya Sukat, Hugis, at Anyo ng Asya Matatagpuan sa kotinente ang nagtataasang mga bundok tulad ng Mt. Everest at Mt. Godwin, at mga bulubundukin ng Ural,Caucasus, at Hindu Kush. May mgakapatagan din tulad ng North China Plain, Indo- Gangetic Plain, at kalakhan ng Malay Peninsula, at mga tangway tulad ng Arabian Peninsula at Korean Peninsula. Ang asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. May tinatayang kabuuang sukat ito na halos 44 milyong kilometro kuwadrado o halos isang- katlo ng kabuuang sukat ng kalupaan ng daigdig. Ang asya ay higit pa sa apat na ulit ng laki kaysa sa Europe at pinagsamang sukat ng kalupaan ng North America at South America. Mga Anyong Lupa Mt. Everest Pinakamataas na bundok sa daigdig. Matatagpuan ito sa pagitan ng Nepal at Tibet. May taas ito na 29, 035 ft. Kanchenjunga Pangatlo sa pinakamataas na bundok Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Nepal at India. May taas ito na umabot sa 28,169 ft. Mt.Ararat (Buyuk agri Dagi) Ito ang pan...
Comments
Post a Comment